Monday, February 8, 2010

Kwentong Puso

Dahil buwan ng mga puso ngyon February, may kwentong puso ako sa inyo… Ang kwento ko ay tungkol sa mag-asawang itatago natin sa pangalang Dodong at Neneng…

30 yrs nang kasal si Dodong at Neneng. Seaman si Dodong at butihing maybahay naman si Nenenng. Lima ang kanilang naging anak. Sa kasalukuyan, 2 anak na lang nila ang kasama nila sa bahay at yung tatlo niyang anak ay may kanya-kanya nang mga pamilya..Masaya ang naging pagsasama nilang may asawa hanggang sa noong nakaraan taon, naistroke si Dodong…Ang sabi ng mga doktor nagkaroon na pagdurugo sa isang parte ng utak niya at kailangan siyang maoperahan kaagad-agad. Nanlumo si Neneng nang malaman ang sakit ng asawa, wala siyang magawa kundi ipaopera ang asawang may sakit..

Successful ang naging operasyon kay dodong, ngunit hindi na siya katulad nang dati. Nakahiga na lang siya sa kama at hindi na maigalaw ang buong katawan. Awang-awa si Neneng sa kalagayan nang kanyang asawa. Minsan naiiyak siya kapag naiisip niya ang naging kalagayan nang kanyang kabiyak. Akala nila makakauwi na sila pagkatapos ng operasyon ngunit nagkaroon ng problema si dodong sa paghinga kaya kinailangan gumawa ng isang butas sa kanyang leeg upang doon siya huminga. Lalo pang nanlumo si Neneng sa kalagayan ng asawa. Halos isang buwan na sila sa ospital at paubos na ang kanilang naipong mag-asawa . Lumipas ang isang buwan, dumaan ang pasko at bagong taon, nasa opsital pa rin sila, hanggang sa hindi na nila kayang mabayaran ang presyo ng kwarto, kaya lumipat sila ng ward na may pinakamababang room rate..

Nagulat ako nung malaman ko na ako ang may handle sa kanya kasi bukod sa may tubo siya sa ilong para daluyan ng pagkain, kelangan pang isuction ang secretions nya at nakasonda pa siya. Nung una parang ayaw ko ng magduty kasi natatakot ako ihandle siya, first time kong humawak ng pasyente na ganoon, pero wala naman akong choice kundi hawakan siya. Nung una kong nahawakan siya kinakabahan ako kasi baka demanding ang asawa nito at masungit, pero hindi naman pala. Mabait naman pala. Halos kadaduty ko siya ang hawak ko. Nakita ko kung gaano kamahal ni Neneng si Dodong. Sa loob nang halos tatlong buwan nila sa opsital, si Neneng ang laging nagbabantay. Minsan naitanong ko sa kanya kung bakit wala siyang kapalitan sa pagbabantay, ngumiti lang siya sa akin at sinabi na “gusto ko ako ang magbabantay sa kanya, kasi baka hindi siya asikasuhin kapag iba yung nagbantay, tska ok naman ako kahit laging puyat basta ang mahalaga kasama ko siya.” Humanga ako kay maam nung sinabi niya sa akin yun. Naisip ko tuloy totoo pala yung mga katagang “In sickness and in health, Till Death do as part.” Humanga ako kay maam sa ipinakitang pagmamahal niya kay sir..Araw at gabi makikita mong inaalagan ni Mam si Sir. Minsan napapangiti na lang ako ng sikreto kapag nakikita kong nilalambing ni Maam Neneng si Sir Dodong.. Napaisip tuloy ako, kahit pala sa panahon natin ngayon na uso ang diborsyo at annulment, may mga mag-asawa pa rin palang pinapangatawanan ang kanila sumpaan sa harap ng altar..Nakita ko sa kanila ang tunay na pagmamahalan, at humahanga ako sa tibay ng loob ni Neneng sa kabila ng kalagayan ni Dodong. Kung nakakapagsalita lang siguro si Dodong marahil isa lang ang sasabihin niya “Salamat sa pagaalaga sa kin, Salamat at hindi mo ako iniwan sa kabila ng kalagayan ko, salamat at mahal na mahal kita.”…

Thursday, November 5, 2009

Ang TOXIC!

Toxic, isang salitang lumalarawan sa isang bagay o pagkain na nakakasama sa kalusugan ng isang tao. Maaari itong pagmulan ng iba't ibang sakit o di kaya'y maging sanhi ng kamatayan ng isang indibidwal...

Para sa mga healthcare professional (nurse, doktor, med tech, etc..), ang salitang toxic ay may ibang kahulugan..Ayon kay pareng mankmakina ang ibig sabihin ng toxic ay: " a state wherein a person is in a state of shock, disbelief, exhaustion, and most of the time: PANIC!!!!Screaming for help is optional."

Una kong naranasan ang pagiging toxic sa mga duty days ko nung college...marami ginagawa, marami iniicp, kailngan matapos kaagad para mabeat ang deadline....dito pumapasok ang panic...pagkawindang at sa huli ang pagiging zombie...Naalala ko pa nung 2nd yr college ako, sinugod ako sa ER ng UST Hospital Charity Division dahil nahirapan ako huminga...hindi naman ako toxic tlaga pero dahil sa katakawan ko sa pizza at sa pagkacramming ko sa ginagwa kong Biblio, eh na toxic ako to the point na nahirapan akong huminga..ang hirap...masakit sa ulo at sa bulsa...

Paano mo malalaman kung Toxic ka na? Madali lang...

  • Toxic ka kung ikaw ang shit nurse sa RLE group nyo..
  • Toxic ka kung nagnight duty nung gabi tapos duty ka pa kinabukasan ng hapon.
  • Matotoxic ka kapag deadline na ng NCP at Case pres mo kinabukasan habang ikaw ay nademonyo ng kaibigan mo magDOTA buong gabi...
  • Toxic kung ang test mo sa minor subjects mo eh mas mahirap pa sa major mo...(lalo kang matotoxic kapag nalaman mo na ang test mo ay kung sino ang direktor ng TROY..tsk.bad trip....)
  • Toxic ka kapag nagduty ka ng 8hrs tapos pinagstraight ka ng bisor mo ng another shift dahil kulang ang nurse sa station nyo...
  • Toxic ka kapag puno ang census ng ward niyo tapos dalawa lng kayong pumasok na nurse..
  • Toxic kapag lahat ng naassign sayo na pasyente ay namech-vent tapos ay biglang nagcode blue yung isang pasyente...
  • Toxic ka kung ang bantay ng pasyente mo ay mas marunong pa sa iyo(ba't di na lang kaya sila ang magnurse...nang-aano eh noh)
  • At higit sa lahat natotoxic ka na kapag nakalimutan mong kumain dahil sa dami ng ginagawa mo sa ward.....(umiiyak na ang sikmura mo dahil kanina ka pa walang kain).
Kapag hindi na nakayanan ng katawan mo ang mga katoxicang nakapaligid sa iyo, marahil ito ang mangyayari sa'yo.....

Babagsak ang katawan mo sa sobrang pagod... Yan ng TOXIC! Bow!!!


PS:(salamat kay boss at pumayag siyang ilagay ko ang picture niya sa blog ko ehehee..
YUng isang pic medyo malabo pero toxic din sila...ehehehe)

Tuesday, November 3, 2009

Eksena sa Applyan ng Call Center

Bagong araw na naman, maghahanap na naman ako ng trabaho. Ang desinasyon ko ngayon ay isang recruitment agency ng isang malaking Call Center company sa may Mandaluyong.Yes, siguro ito na ang pagakakataon ko, baka magkatrabaho na ko...nararamdaman ko na papasa ako..Ayos toh!!!Yeah, give it to me baby aha aha....

Ito ang nasa isip ko kaninang umaga habang naliligo sa banyo...Sa wakas binigyan na naman ako ng pagkakataon para makapagtrabaho. 8:45am nang dumating ako sa opisina nila. ibinigay ko kagad yung referral letter na dala ko doon sa receptionist.Ang akala ko hindi niya tatanggapin kasi ibinalik niya kaagad sa akin yung laman ng sobre. Yun pala kailangan ko ifill-up ung binigay niyang papel. Maliit lang naman yun papel na binigay niya.Kailngan mo lang isulat lahat ng kakilala mo na gustong magtrabaho bilang call center agent..Pwede mo rin ilagay doon yung taong pinagtritripan mo lang ilagay.. Kahit sa Presidente pwede mo ilagay kung kaya mo ba eh.ehehehe..Pagkatpos kong mafill-up yung SHEET of paper eh ibinalik ko na yung papel sa receptionist.Oaky na, sinabihan niya akong bumalik ng 10:30 am para sa exam..Ayos sana kaso ang problema alas 9 pa lang saan ako tatambay eh sarado pa ang mall noon.Wala akong choice kundi mag antay sa waiting area nila..Nakakabagot mag-antay, binilang ko na yung mga taong nagdadaan kaso inantok ako at nawala rin ako sa bilang..Buti na lang libre ang Milo sa vending machine nila ehehehe....Ang bagal pala ng oras kapag nagaantay ka kaya nagpasya akong lumabas muna at maglibot-libot..Sa aking paglilibot nakita ko yung mga manog guwardya na nagmemeeting, pinanood ko muna sila kung paano sila magmeeting...Ang saya pala nila habang namemeeting ang mga manog guards kasi habang nakatayo yung iba, may mga iba na nakadapa at nagpupush-up...ehehehe..late siguro o kaya eh hindi kumpleto sa pharapernalias..ehehehe.Buti na lang hindi iyon ang pinapagawa sa amin ng mga CI namin kapag nakakalimot kami ng gamit..diyahe naman kasi kung magpupush-up ka sa nurse station di ba???Nabagot na rin ako sa panonood kila manog guard kay ngpasya akong bumalik na sa waiting area..10:30 na exam na namin.kinakabahan na ako...bumibilis na ang tibok ng puso ko..hindi na ako makahinga. Para akong sinasakal na ewan...ayan na...malapit na.....hoooo....nagsimula na ang test namin..six parts yung test, nadalian ako sa test 1 at test 3 kasi grammar and comprehension naman iyon..Nahirapan ako sa tests 2, 4, 5, 6...Paano ba naman puro tungkol sa computer ang tanong..malay ko ba sa mga computer terms..nurse ako ano ang alam ko dito...dahil sa wala akong choice, ginaya ko na lang si madam bola, nanghula ako...ginamit ko rin yung pinakaepektibong paraan sa pagsagot: Ang miniminmynimo!!!..Sa awa naman ni Bro eh nakapasa ako sa exam...akala ko tapos na.yun pala meron pang isa...mas madali naman yung 2nd exam kasi para siyang open notes...Ayos pasado uli ako..abot na hanggan tenga ang ngiti ko..hahahahaha...Alas dose ang initital interview ko...Nagantay na naman ako sa waiting room para sa initial interview ko...12:30 n nang matwag ang pangalan ko..Hanep!grabe talaga ang Filipino time walang kupas!...Okay naman yung mga tinanong sa akin.Siyempre hindi mawawala ang walang kamatayang describe yourself..todo describe naman ako.para akong nagbebenta ng mga tupperware sa kadedescribe ko sa sarili ko.marami pang tinanong sa akin. Kinabahan ako sa huling tanong sa akin. Ang huling tanong sa aki ay ganito"Being a nurse, why did you opted to apply in a call center company?" Wow, mental block ako...parang nagkaroon na malaking espasyo sa utak ko na pwedeng maglaro ng football sa sobrang luwag..wala akong maisip na sagot...hindi ko alam kung paano ko sasagutin ang tanong...Nagimbento na lang ako ng sagot para matapos na....Quarter to 1 na nang matapos ang initial interview ko..antay na naman ako sa para sa result..1pm na, sa wakas tinawag na ako ni manong guard at may ibingay sa akin na papel..excited na akong buksan..siguro pasado ako..baka final interview na ako...ahahahahaha...This is it!!!! Binuksan ko ang papel...Ang ngiti ko ay biglang nawala,napalitan na tawa at halakhak..Hahahahaha..ang sabi ko....sabi ko na nga ba eh...hindi ako nagkamali......hindi ako pumasa....Bagsak na naman ako...pangalawang beses ko na itong bumabagsak sa call center...

hindi ko alam kung bakit ako bumagsak...Siguro kasi hindi na kuntento yung interviewer sa sagot ko..O kaya eh dahil sa essays ko...Maraming pwedeng dahilan..pwede din na dahil nurse ako kaya hindi nila ako tinanggap....Balita ba kasi na karamihan ng mga call center company ngayon ay ilag sa pagtanggap ng mga nurses bilang agent nila..hindi ko naman sila masisisi kasi karamihan ng mga agents nila na nurse ay umaalis kapag nakahanap na sila ng hospital na mapagtratrabahuhan...Nasasayang ang mga pera at panahon nila sa pagtrain ng isang nurse para maging agent tapos eh ilang buwan lang at magreresign kaagad...Sa isip-isp siguro nila, bakit ako tatanggap ng nurse para maging agent ko kung magreresign din naman siya...Nakakapanlumo mang isipin pero totoo....Hindi natin sila masisisi dahil hindi tayo naging committed sa kanila...Kaya ang end process, karamihan sa kanila ayaw na, kung di man ayaw eh maingat na sa pahire ng mga nurses na gustong maging call center agent...Hayyzzzz..

Para sa akin, balik ako sa paghahanap ng trabaho...back to square one na naman..hindi dapat mawalan ng pag-asa..Failure makes a person stronger.....

(siguro kaya ako bumagsak e dahil sa biko na kinaen ko kaning umaga...ano sa tingin nyo??Tama sa biko yun!!!)

Paalala: ang lahat ng ito ay opinyon lang nang nagsulat kung tinamaan ka sori..hindi ka kasi umilag eh yan tuloy......