Monday, February 8, 2010

Kwentong Puso

Dahil buwan ng mga puso ngyon February, may kwentong puso ako sa inyo… Ang kwento ko ay tungkol sa mag-asawang itatago natin sa pangalang Dodong at Neneng…

30 yrs nang kasal si Dodong at Neneng. Seaman si Dodong at butihing maybahay naman si Nenenng. Lima ang kanilang naging anak. Sa kasalukuyan, 2 anak na lang nila ang kasama nila sa bahay at yung tatlo niyang anak ay may kanya-kanya nang mga pamilya..Masaya ang naging pagsasama nilang may asawa hanggang sa noong nakaraan taon, naistroke si Dodong…Ang sabi ng mga doktor nagkaroon na pagdurugo sa isang parte ng utak niya at kailangan siyang maoperahan kaagad-agad. Nanlumo si Neneng nang malaman ang sakit ng asawa, wala siyang magawa kundi ipaopera ang asawang may sakit..

Successful ang naging operasyon kay dodong, ngunit hindi na siya katulad nang dati. Nakahiga na lang siya sa kama at hindi na maigalaw ang buong katawan. Awang-awa si Neneng sa kalagayan nang kanyang asawa. Minsan naiiyak siya kapag naiisip niya ang naging kalagayan nang kanyang kabiyak. Akala nila makakauwi na sila pagkatapos ng operasyon ngunit nagkaroon ng problema si dodong sa paghinga kaya kinailangan gumawa ng isang butas sa kanyang leeg upang doon siya huminga. Lalo pang nanlumo si Neneng sa kalagayan ng asawa. Halos isang buwan na sila sa ospital at paubos na ang kanilang naipong mag-asawa . Lumipas ang isang buwan, dumaan ang pasko at bagong taon, nasa opsital pa rin sila, hanggang sa hindi na nila kayang mabayaran ang presyo ng kwarto, kaya lumipat sila ng ward na may pinakamababang room rate..

Nagulat ako nung malaman ko na ako ang may handle sa kanya kasi bukod sa may tubo siya sa ilong para daluyan ng pagkain, kelangan pang isuction ang secretions nya at nakasonda pa siya. Nung una parang ayaw ko ng magduty kasi natatakot ako ihandle siya, first time kong humawak ng pasyente na ganoon, pero wala naman akong choice kundi hawakan siya. Nung una kong nahawakan siya kinakabahan ako kasi baka demanding ang asawa nito at masungit, pero hindi naman pala. Mabait naman pala. Halos kadaduty ko siya ang hawak ko. Nakita ko kung gaano kamahal ni Neneng si Dodong. Sa loob nang halos tatlong buwan nila sa opsital, si Neneng ang laging nagbabantay. Minsan naitanong ko sa kanya kung bakit wala siyang kapalitan sa pagbabantay, ngumiti lang siya sa akin at sinabi na “gusto ko ako ang magbabantay sa kanya, kasi baka hindi siya asikasuhin kapag iba yung nagbantay, tska ok naman ako kahit laging puyat basta ang mahalaga kasama ko siya.” Humanga ako kay maam nung sinabi niya sa akin yun. Naisip ko tuloy totoo pala yung mga katagang “In sickness and in health, Till Death do as part.” Humanga ako kay maam sa ipinakitang pagmamahal niya kay sir..Araw at gabi makikita mong inaalagan ni Mam si Sir. Minsan napapangiti na lang ako ng sikreto kapag nakikita kong nilalambing ni Maam Neneng si Sir Dodong.. Napaisip tuloy ako, kahit pala sa panahon natin ngayon na uso ang diborsyo at annulment, may mga mag-asawa pa rin palang pinapangatawanan ang kanila sumpaan sa harap ng altar..Nakita ko sa kanila ang tunay na pagmamahalan, at humahanga ako sa tibay ng loob ni Neneng sa kabila ng kalagayan ni Dodong. Kung nakakapagsalita lang siguro si Dodong marahil isa lang ang sasabihin niya “Salamat sa pagaalaga sa kin, Salamat at hindi mo ako iniwan sa kabila ng kalagayan ko, salamat at mahal na mahal kita.”…

No comments:

Post a Comment